2 NPA at isang sundalo patay sa engkwentro sa Davao Oriental

By Justinne Punsalang September 14, 2018 - 04:35 AM SHARE(S):

Nasawi ang tatlo katao, habang sugatan naman ang apat na iba pa, matapos magkaengkwentro ang mga sundalo at hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Maragatas, sa bayan ng Lupon, Davao Oriental.

Kinilala lamang ang nasawing mga miyembro ng NPA sa alyas na Dagol na sinasabing lider ng platoon at isang Taniel na vice platoon leader.

Hindi naman ipinagbigay-alam ni Captain Jerry Lamosao, public affairs officer ng 10th Infantry Division ang pagkakakilanlan ng nasawing sundalo.

Aniya, ang apat na mga sugatan ay pawang mga sundalo rin.

Narekober mula sa pinangyarihan ng 20 minutong palitan ng putok ang dalawang M-16 assault rifles, isang M203 grenade launcher, isang improvised explosive device (IED), at mga gamit ng NPA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.