Trillanes sorry na lang sa pangangalkal ng SolGen sa kanyang amnestya
Sorry na lang si Senador Antonio Trillanes IV.
Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malacañan matapos ideklarang void ab initio ang amnesty ni Trillanes dahil sa ginawang pag-aaral ni Solicitor General Jose Calida.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, base kasi sa pag-aaral ni Calida, lumabas na depektibo ang amnestiya ni Trillanes dahil sa hindi dumaan sa tamang proseso ang kanyang aplikasyon at hindi umamin sa krimeng kudeta at rebelyon.
Ayon kay Roque, ang kaso lamang ni Trillanes ang maapektuhan dahil ang kanyang kaso lamang ngayon ang mayroong actual review sa Makati City Regional Trial Court (RTC).
“Now under the law even if his act is null and void unless it’s actually questioned then it entitles to be—entitled to respect ‘no. Sorry na lang si Senator Trillanes, pinag-aralan siya ni SolGen Calida at lumalabas na depektibo talaga iyong kaniyang amnesty. Anong resulta? Well, iyong sa kaniya lang ang maaapektuhan dahil iyon lang naman ngayon ang actual review ng regional trial court sa Makati,” paliwanag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.