Hinamon ng Palasyo ng Malacañan si Senador Antonio Trillanes IV ituloy ang banta nitong paghahain ng impeachment complaint laban sa punong ehekutibo dahil sa foreign intelligence na nag-iispiya sa mga kalaban ng administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kampante ang Palasyo na walang mangyayari sa impeachment laban sa pangulo.
Pawang drama at media mileage lamang aniya ang layunin ni Trillanes sa planong paghahain ng impeachment complaint laban sa pangulo.
Iginiit pa ni Roque na makaialang beses nang naghain ng impeachment complaint ang mga kalaban ng pangulo subalit hindi naman umuusad dahil sa kawalan ng substansya.
Kasabay nito, hindi itinanggi ni Roque na isa siya sa mga humirit noon kay dating Pangulong Noynoy Aquino na bigyan ng amnestiya si Trillanes.
Pero ayon kay Roque, naghiwalay na sila ng landas ni Trillanes nang sumama ito sa dark side o sa Liberal Party.