Asawa ni Trece Martires VM Alex Lubigan, tatakbo sa pagka-alkalde sa 2019

By Rhommel Balasbas September 14, 2018 - 02:26 AM SHARE(S):
Courtesy: Alex Lubigan Facebook

Tatakbo si Gemma Lubigan, asawa ng napaslang na si Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan sa pagka-alkalde sa magaganap na 2019 midterm elections.

Ito ang sinabi ng byudang Lubigan sa press conference kahapon kung saan inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek sa pagpaslang sa vice mayor at driver nitong si Romulo Gillemer.

Ayon kay Gemma, itutuloy niya ang adhikain ng kanyang asawa.

Bagaman tatakbo sa eleksyon ay tiniyak nitong hindi ito makakaapekto sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang asawa.

Kabilang sa mga sinampahan ng mga kasong murder at frustrated homicide si Trece Martires Mayor Melandres De Sagun na itinuturo umano ng testigong mastermind sa pagpatay.

Dagdag pa ni Gemma, kapwa nasa huling termino na ang kanyang asawa at ang alkalde nang maganap ang krimen

Noong Hulyo pinaslang ang vice mayor na kabilang sa serye ng pagpatay sa local officials sa loob lamang ng iisang linggo kabilang ang kaso nina Mayors Antonio Halili at Ferdinand Bote.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.