Bus at truck nagsalpukan sa Zambales; 4 sugatan

By Len Montaño September 14, 2018 - 01:21 AM SHARE(S):

Apat ang sugatan matapos sumalpok ang isang bus sa pick-up truck sa Sitio Loong, Bgy. Luna San Antonio, Zambales.

Ayon kay Sr. Insp. Jonathan Bardaje, chief ng San Antonio Municipal Police Station, napilitang tumigil ang Mitsubishi Strada pick-up truck na minamaneho ni Anacleto Reyes nang may sumingit na motorsiklo.

Dahil dito, ang bus na nasa likuran ay natumbok ang pick-up truck, dahilan kaya nahulog ito sa tulay hanggang sa ilog.

Sugatan ang driver na si Reyes at pasahero nitong sina Teresita McKenzie, Armi Veloza at Nida Ragadio na pawing ginamot sa Rural Health Unit.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng driver ng motorsiklo na may palyadong headlight.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.