Militar walang balak hulihin si Senador Trillanes ayon mismo sa pangulo

By Chona Yu September 14, 2018 - 02:20 AM SHARE(S):

Walang may interesadong arestuhin si Senador Antonio Trillanes IV kaya huwag na umano itong pakialaman.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam ng media matapos ang command conference sa Camp Aguinaldo kaugnay ng bagyong Ompong.

Ayon sa pangulo, walang interes ang militar na hulihin si Trillanes kaya pwede itong manatili sa Senado bilang boarder.

Inulit ni Duterte ang sinabi nito na huwag arestuhin ang senador kung walang warrant of arrest ang korte.

Dagdag ng pangulo, walang court martial kaya civilian court lang ang may hawak sa kaso ni Trillanes.

Kung wala aniyang utos mula sa korte ay mahirap nang makialam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.