Stranded ng mga pasahero, mahigit 3K na dahil sa Bagyong Ompong

Lumobo pa ang bilang ng mga naistranded na pasahero sa mga pantalan, dahil sa Bagyong Ompong.

As of 4PM ng Huwebes (September 13), sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na aabot na sa 3,562 ang mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan sa National Capital Region, Luzon at Visayas.

Mayroon ding stranded na mga sasakyang pandagat.

Batay sa monitoring ng PCG, 378 ang stranded na rolling cargoes; 46 naman ang mga vessel at 25 naman ang motorbancas.

Pinaalala naman ng PCG sa lahat ng kanilang units na mahigpit na ipatupad ang HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o Guidelines on Movement of Vessels during Heavy Weather.

Nauna nang inanunsyo ng PCG na kanselado na ang mga biyahe, bunsod ng sama ng panahon at kundisyon ng dagat.

Hinimok naman ng PCG ang mga pasahero na huwag nang bumiyahe hangga’t maaari, upang maiwasang mastranded o mapahamak.

Read more...