Evacuation center sa mga mabibiktima ng bagyo handa na sa Maynila
Inanunsyo na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga lugar na magsisilbing evacuation centers ng mga residente na maaapektuhan ng Bagyong Ompong.
Kabilang sa mga itinakdang temporary shelters ay ang Corazon Aquino Highschool sa Baseco; at Vicente Lima Elementary School, Almario Elementary School at Villegas High School sa Vitas Tondo.
Bubuksan din para sa mga bakwit ang Delpan Sports Complex at isa pang covered court sa Barangay 105.
Maaari ring pansamantalang manatili ang mga evacuee sa iba pang evacuation centers sa Delpan at Baseco.
Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na mayroong sapat na pagkain at tubig na maipapamahagi sa mga biktima ng kalamidad.
Mayroon ding mga equipment at personnel ng Manila LGU na idedeploy sakaling kailanganin ang pag-rescue sa mga residente, lalo na sa mga lugar na bahain o malapit sa coastal areas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.