Metro Manila signal no.1 na dahil sa bagyong Ompong
Kabilang na ang Metro Manila sa mahigit 30 lugar mula Batanes hanggang Northern Samar na nasa ilalim ng Signal No. 1 dahil sa Bagyong Ompong.
Ayon sa Pagasa, napanatili ng Bagyong Ompong ang lakas nito.
Huwebes ng hapon ay huling namataan ang Bagyong Ompong 575 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na 205 kilometers per hour at bugsong 255 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong West Northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Nasa 900 kilometers naman ang lawak na diametro ng bagyo.
Nasa Signal No. 1 na ang sumusunod na lugar:
Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Isabela, Benguet, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon kabilang ang Polillo Island, Northern Occidental Mindoro, Northern, Oriental Mindoro, Masbate, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias, Ticao island at Northern Samar.
Ayon sa Pagasa, ang nasabing mga lugar ay makararanas ng malakas na ulan at hangin sa susunod na 36 oras.
Inaasahan ang landfall ng Bagyong Ompong sa Cagayan-Isabela area Sabado ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.