Duterte: Trillanes pwedeng manatili sa Senado bilang boarder

By Chona Yu, Den Macaranas September 13, 2018 - 07:54 PM

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang interesadong arestuhin si Sen. Antonio Trillanes IV at malaya siyang mananatili sa Senado bilang isang boarder.

“Nobody is interested to arrest him…not even the military”, ayon sa pangulo.

Nauna na ring sinabi ni Duterte na hindi niya ipaaaresto ang mambabatas nang walang inilalabas na warrant of arrest ang hukuman.

Kaninang tanghali ay nagpatawag ng media briefing ang mambabatas at kanyang sinabi na susubukan niyang lumabas sa gusali ng Senado ngayong araw.

Pero makalipas lamang ang ilang oras ay muli itong nagpatawag ng press conference tulad ng kanyang araw-araw na ginagawa mula nang ilabas ng pangulo ang kanyang Proclamation 572.

Sa kanyang muling pagharap sa media ay sinabi ng mambabatas na hindi na siya lalabas sa Senado dahil sa may nakuha siyang ulat na aarestuhin siya ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

Nakakalat daw kasi sa labas ng Senado ang mga intelligence agents ng pamahalaan.

Bago ang pulong balitaan ay nakiusap ang ilan sa mga tauhan ni Trillanes na huwag na siyang tanungin kaugnay sa pagkakasangkot ng kanyang mga magulang sa ilang mga malaking transaksyon at proyekto sa loob ng Philippine Navy.

TAGS: amnesty, arrest, Proclamation 572, Senate, trillanes, amnesty, arrest, Proclamation 572, Senate, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.