23 katao nalibing ng buhay sa gumuhong gusali sa China

china1
Inquirer file

Aabot ng labingpito katao ang patay habang dalawampu’t tatlo naman ang sugatan nang gumuho ang isang gusali sa Wuyang County sa Henan Province sa Central China.

Sa ulat ng Xinhua News Agency, nagkakaroon ng renovation at ina-ayos ang pundasyon ng dalawang palapag na bahay nang ito ay gumuho.

Sabado ng umaga nang makuha ang nasa apanapu’t isang katao mula sa guho. Nabatid na 1990s lang ng itayo ang gusali.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente at kung ano ang sanhi ng pag-guho.

Nauna dito ay itinago sa mga kaanak ng biktima ang nasabing insidente haggang sa napilit din ang ilang opisyal ng Wuyang county government na isa-publiko ang detalye ng mga pangyayari.

Read more...