Sinabi ni NDRRMC Spokesman na noong manalanta ang bagyong Yolanda sa Visayas region ay mainit rin ang lagay ng panahon bago nagdilim na sinundan ng malakas na ihip ng hangin at malakas na pag-ulan.
Pinayuhan ng opisyal ang publiko na huwag maging kampante sa nararanasang magandang panahon sa kasalukuyan lalo na sa mga lugar sa Northern Luzon.
Kumpara sa bagyong Yolanda na mayroong 600-kilometer radius ay higit umanong mas malaki ang 900-kilometer radius ng bagyong Ompong.
Kaninang umaga ay huling namataan si Ompong sa layng 725 kilometers sa Silangan ng Virac, Catanduanes na may lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 255 kph.
Sa kasalukuyan ay nakataas ang signal number 1 sa 25 mga lugar sa Luzon.
Bukas, araw ng Biyernes ay inaasahang lalo pang lalakas ang hangin na mararamdaman sa malaking bahagi ng Luzon na may mga kasamang pag-ulan ayon sa Pagasa.
Para sa kaligtasan ng publiko ay magpapatupad ng preemptive evacuation ang NDRRMC sa ilang mga lugar sa Northern Luzon.