Trillanes susubukang lumabas ng Senado ngayong araw
Susubukang umuwi ngayong araw ni Sen. Antonio Trillanes makaraan ang higit sa isang linggong pagtira sa kanyang opisina sa loob ng gusali ng Senado.
Pero bago ang kanyang sinasabing tahimik na pag-alis ay muli siyang nagpa-presscon na bahagi ng kanyang araw-araw na gawain mula nang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 572 na bumabawi sa amnesty na ibinigay sa dating rebeldeng-sundalo.
Gusto ni Trillanes na maglabas muna ng pahayag ang Armed Forces of the Philippines na hindi siya aarestuhin sakaling lumabas siya sa gusali ng Senado.
Ito ay kahit sinabi na ng Supreme Court na hindi na sila nag-isyu ng Temporary Restraining Order para sa mambabatas makaraang sabihin ng pangulo na hindi ito aarestuhin nang walang warrant of arrest.
“Wala namang magre-resist sa amin. Hindi tayo manlalaban…papangunahan na natin, hindi tayo manlalaban kung dumating ‘yan kaya nga we’ll see, ayon pa sa mambabatas.”
Hindi naman sinagot ni Trillanes ang pagkakaugnay ng kanyang ama na dating opisyal ng Philippine Navy sa ilang mga kontrata gayun rin ang kanyang ina na umano’y nakikialam sa ilang transaksyon sa militar noong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.