Barangay Chairman patay sa ambush sa Maynila

By Alvin Barcelona September 13, 2018 - 03:41 PM SHARE(S):

Dead on the spot ang isang Barangay Chairman matapos na tambangan sa Maynila ngayong hapon.

Kinilala ang biktima na si Barangay Chairman Angel Rivera Jr. ng Brgy. 330 sa Fugoso, Sta. Cruz, Manila.

Base sa inisyal na impormasyon, galing sa isang anti- drug seminar ang biktima at sakay ng kanyang motorsiklo nang tambanga ng mga hindi nakilalang mga suspek sa kanto ng Finance Road at Maria Orosa Street sa Ermita Maynila.

Kaagad na kinordon ng mga pulis ang lugar para sa kaukulang imbestigasyon.

Susubukan ng mga imbestigador na tingan ang mga CCTV sa lugar sa posibilidad na nakunan ang aktuwal na pananambang at ang mga suspek.

TAGS: ambush, brgy 330, chairman, manila, rivera, sta cruz, ambush, brgy 330, chairman, manila, rivera, sta cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.