P40-M na halaga ng shabu nakuha sa isang kanal sa QC
Nasa anim na kilo na hinihinalang shabu ang nahukay mula sa drainage ng isang refrigerator repair shop sa North Fairview, Quezon City.
Ang mga nasabat na iligal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng P40.8 Million.
Pinangunahan nina NCRPO Chief Guillermo Eleazar at QCPD Director Joselito Esquivel ang operasyon sa Dancs Service Center, na matatagpuan sa Commonwealth Ave. malapit sa Geneva Gardens Subdivision.
Ayon kay Eleazar, matagal nang nakabaon ang mga pakete ng hinihinalang droga sa lugar.
Nasa pagitan ang mga ito ng dalawang mohon na posibleng ginawang palatandaan ng nagbaon ng mga droga.
Bubusisiin ng mga otoridad ang mga CCTV na malapit sa lugar para alamin kung nakunan ng video ang mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.