Trece Martirez City mayor itinuturong utak sa ambush sa vice-mayor

Inquirer file photo

Sinampahan ng two-counts of murder at frustrated murder si Trece Martirez City Mayor Melandres De Sagun kaugnay sa pagkamatay ni Vice Mayor Alexander Lubigan kamakailan.

Kasama rin sa mga kinasuhan si Maragondon, Cavite councilor Lawrence Arca.

Sinabi ni Gemma Lubigan, asawa ng pinaslang na opisyal na malakas ang kanilang mga hawak na ebidensya na magdidiin sa mga utak sa ambush kay Vice Mayor Lubigan.

Si Lubigan ay magugunitang tinambangan ng mga armadong suspek noong July 7 sa harap ng Korean Hospital sakop ng Barangay Luciano.

Namatay rin sa pananambang ang driver ni Lubigan na si Romulo Guillemer.

Isinasangkot rin sa krimen ang iba pang personalidad na kinabibilangan nina Luis Vasquez Abad Jr., Ariel Fletchetro Paiton, Romel Bersamina at dalawang iba pa..

Pulitika ang sinasabing motibo sa krimen dahil naghahanda ring tumakbo bilang alkalde ng lungsod sa susunod na halalan si Lubigan.

Read more...