NEA bumuo ng task force para mabilis maiayos ang mga itutumbang poste ng bagyo
Nagbuo na ng task force ang National Electrification Administration (NEA) na siyang tututok para mabilis na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Ompong.
Ayon kay Atty. Goldelio Rivera, deputy administrator ng NEA, ang Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force ay binubuo ng mga engineers at linemen mula sa mga electric cooperatives (EC).
Ang PRRD task force ay 24-oras na magbabantay sa sitwasyon para mabilis na mai-deploy ng NEA para agad na maiayos ang mga posting itutumba ng bagyo.
Tututukan ng task force ang Southern Luzon, Central Luzon, Region 1 at CAR.
Habang nagsagawa na rin sila ng preemptive line clearing sa Region 2 at Region 3.
Nahihirapan naman sila na mag-trim ng mga puno dahil ang ibang may-ari ng puno ay kailangan pang bayaran ng NEA.
Para matiyak naman ang kaligtasan ng publiko may mga lugar na kailangan na pansamantalang tanggalan ng suplay ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.