15 patay sa nasunog na palengke ng Zamboanga City

By Jimmy Tamayo October 31, 2015 - 03:05 PM

fire3
Inquirer file photo

Patay ang labinglima katao nang masunog ang Zamboanga City public market kaninang madaling araw.

Ayon kay Zamboanga City District Fire Marshall Senior Supt. Dominador Zabala Jr. sumiklab ang apoy sa tindahan ng ukay-ukay bandang alas tres ng madaling araw.

Sunog na sunog at halos hindi na makilala ang mga nasawi na karamihan ay mga bata.

Pasado alas-sais na ng umaga ng ideklarang fire-out ang apoy.

Ayon naman kay Elmier Apolinario, hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot ng 3,000 hanggang 5,000 square meters sa higit 5 hectare na palengke ang na-apektuhan ng sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring sa poste ng kuryente nagsimula ang apoy bago kumalat sa isang pwesto ng mga ukay-ukay.

TAGS: Market fire, Zamboang City fire, Market fire, Zamboang City fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.