LOOK: Bohol Airport malapit nang matapos
Nalalapit nang makumpleto ang konstruksyon ng Bohol “Panglao” Airport.
Huwebes ng umaga, nagsagawa ng progress inspection ang team mula sa Department of Transportation sa paliparan sa pangunguna nina Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, Undersecretary for Finance Garry De Guzman, at Assistant Secretary for Maritime Fernando Juan Perez.
Ayon sa DOTr, 93.78 percent nang kumpleto ang paliparan na tinaguriang “Green Gateway to the World”.
Sa sandaling maging operational na, kayang i-accommodate ng paliparan ang dalawang milyong pasahero sa unang taon ng pagbubukas nito.
Itinakda ang inagurasyon sa paliparan sa 4th quarter ng kasalukuang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.