500 pasahero stranded sa mga pantalan sa Bicol
Stranded ang aabot sa 500 mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol dahil sa bagyong Ompong.
Ayon sa Philippine Coast Guard – Bicol Region kabilang sa mga stranded ay ang sumusunod na bilang ng mga pasahero:
San Pascual, Masbate – 30 passengers
Pasacao, Camarines Sur – 18 passengers
Tabaco City, Albay – 116 passengers
Bulan, Sorsogon – 45 passengers
Matnog, Sorsogon – 298 passengers
Maliban sa mga pasahero, aabot din sa 37 rolling cargoes at apat na motorized vessels ang hindi pinapabiyahe sa mga pantalan sa rehiyon.
Mananatili ang suspensyon ng biyahe ng mga sasakyang pandagat hangga’t masungit ang panahon dahil sa bagyong Ompong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.