Preemptive evacuation ipinatupad na sa Ilocos Norte

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2018 - 10:39 AM

Photo: Provincial Government of Ilocos Norte

Nagpatupad na rin ng preemptive evacuation sa mga barangay na nasa tabing dagat sa Ilocos Norte.

Ayon kay Gov. Imee Marcos sa Pagudpud at Pasuquin, Miyerkules pa lamang ng gabi ay inumpisahan na ang paglilikas.

Kabilang sa mga inilipas ay ang mga residente sa Barangay Poblacion Uno sa Pagudpud at mga residente sa mga Barangay Davila, Dilavo at Caruan sa Pasuquin.

Sunod na ililikas ang mga residente na naninirahan sa baybayin ng Dingras at sa Batac na naapektuhan na noon ng Habagat.

Ani Marcos, pumayag din ang mga pribadong kumpanya na ipahiram ang kanilang heavy equipment sakaling kailanganin lalo at sarado naman ang kanilang operasyon.

TAGS: ilocos norte, Pagudpud, pasuquin, Radyo Inquirer, ilocos norte, Pagudpud, pasuquin, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.