Preso at 2 tauhan ng Cebu Provincial Detention Rehabilitation Center patay sa pananambang
UPDATE: Patay ang dalawang tauhan ng Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) at isang lalaking preso sa pananambang na naganap sa Unit 5 sa Barangay Kalunasan, Cebu City, Huwebes (Sept. 13) ng umaga.
Ang mga nasawi ay si Prison Guard 1 Bernie Bayutas, driver na si Joel Tevez, at ang preso na si Jerryfer Perigrino.
Si Perigrino ay itinuturing na high-profile inmate at nakulong dahil sa kason
g may kaugnayan sa ilegal na droga.
Ayon kay Chief Insp. Eduard Sanchez, hepe ng Guadalupe Police Station, sakay ang tatlo ng sasakyan ng bilangguan at magtutungo sana sa korte nang sila ay tambangan ng dalawang suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.
Sinabi ni City Police Director Sr. Supt. Royina Garma, maaring rescue operation kay Perigrino ang pakay ng mga suspek.
Dahil sa insidente, ipinag-utos n ani Cebu Gov. Hilario Davide III ang imbestigasyon sa lahat ng jail guards sa CPDRC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.