Runway sa Narita Airport isinara dahil sa bomb scare

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2018 - 09:40 AM

Nagdulot ng aberya sa Narita airport sa Japan ang isang bagay na pinaghinalaang bomba.

Isinara ang isa sa dalawang runway ng paliparan makaraang may makitang pampasabog.

Ayon sa mga opisyal ng paliparan, nagsasagawa ng drilling work sa bahagi ng airport nang makita ng mga manggagawa ang tinawag nilang “unexploded shell”.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at inalis sa lugar ang nasabing bagay.

Tatlong oras na isinara ang runway pero hindi ito nagdulot ng kanselasyon ng mga biyahe dahil gumagana pa rin ang isang runway.

TAGS: bomb scare, Narita International Airport, Radyo Inquirer, bomb scare, Narita International Airport, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.