Pantawid Pasada Metro Manila Fuel Card Distribution Caravan umarangkada na

Good news sa mga Public Utility Jeepney franchise holders, nagsimula na gayong araw ng Huwebes, Setyembre 13 ang Pantawid Pasada Fuel Card Distribution Caravan.

Layunin nito na ilapit at mapamigay ang P5,000 ayuda ng gobyerno para sa mga Jeepney franchise holders sa taong 2018.

Unang pinuntahan ng caravan ang San Andres Sports Complex, Malate, Manila.

Tatagal ang pamimigay mula 8:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon at alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa Biyernes, Setyembre 14.

Nasa 2,000 benepisyaryo sa lugar na kontak na ng LTFRB ang inaasahang tatangkilik sa caravan.
Habang magpoproseso rin ng mga dokumento ng mga walk in applicants.

Hinihikayat naman ang mga operators at drivers na nakapangalan sa prangkisa na i-claim na ang libreng Pantawid Pasada cards.

Sa hindi makapag-claim sa linggong ito, mag-aanunsyo uli ang LTFRB ng panibagong schedule at lugar.

Read more...