Bagong unit ng iPhone inilabas na ng Apple

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2018 - 09:20 AM SHARE(S):

Inilabas na ng Apple ang bagong unit nila ng iPhones na iPhone XS Max at iPhone Xs.

Ang iPhone XS Max na ang pinakamahal na unit ng iPhone na mayroong introductory prize na $1,100 o P59,000. Habang $999 naman ang presyong iPhone Xs.

Ang pre-order para sa dalawang bagong unit ng iPhone ay magsisimula sa Sept. 14, habang magiging available na ito sa merkado mula sa Sept. 21.

Unang mabibili ang bagong iPhone units sa 30 mga bansa kabilang ang Australia, Austria, Belgium, Canada, China, Denmark, Finland, France, Germany, Guernsey, Hong Kong, Ireland, Isle of Man, Italy, Japan, Jersey, Luxembourg, Mexico, Netherlands, New Zealand, Norway, Portugal, Puerto Rico, Saudi Arabia, Singapore, Spain, Sweden, Switzerland, Taiwan, the UAE, UK, US at US Virgin Islands.

Sa Sept. 28 naman ay available na rin ang Xs at Xs Max sa 25 pang mga bansa at teritoryo.

TAGS: BUsiness, iPhone, Radyo Inquirer, Xs, Xs Max, BUsiness, iPhone, Radyo Inquirer, Xs, Xs Max

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.