Ayon kay Suarez, malaking bahagi ng pondo sa mga ito ang kanyang ipapatapyas kapag naiakyat na sa pleanaryo ng Kamara ang panulalang 2019 National Budget.
Paliwanag nito, sa naging budget briefing ng House Committee on Appropriations maraming mga ahensya pa rin ang mababa ang absorptive capacity.
Ito anya ang dahilan kung bakit nasasayang ang maraming resources ng pamahalaan na dapat sana ay naibigay sa mas mga nangangailangan para sa pangunahing serbisyo publiko.
Halimbawa na anya rito ang DSWD na 79.5 percent lamang ang nagastos na pondo noong 2017 kahit na pangunahing ahensya ang mga ito na tumutulong sa mga mahihirap.
Ito anya ay mas mababa pa sa average na 88.7% fund utilization simula 2013 hanggang 2016.