Bilang ng mga walang trabaho nabawasan sa 2nd quarter ng taon – SWS

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2018 - 08:46 AM

Bumaba ang joblessness rate sa Filipinos adults batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa 2nd quarter ng taong 2018.

Ginawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa 1,200 na respondents, kung saan lumitaw din na “very high” ang net optimism ng mga Pinoy kaugnay sa job availability.

Lumitaw sa survey na 19.7 percent ng respondents o 8.6 million na Filipino ang jobless.

Mas mababa ito ng 4.2 points kumpara sa 23.9 percent o 10.9 million na Filipino na walang trabaho na naitala sa March 2018 survey.

Ang naitalang joblessness rate ay binubuo ng 9.5 percent na boluntaryong umalis sa dating trabaho, 6.8 percent ang nawalan ng trabaho at 3.4 percent ang mga naghahanap pa lang ng trabaho.

Ayon pa sa nasabing suvey, nananati na bagaman bahagyang nabawasan ay mataas pa rin naman ang optimism ng mga Pinoy kaugnay sa pagkakaroon ng maraming trabaho sa bansa sa susunod na 12-buwan.

Naitala ng SWS ang 47 percent na job optimism o bilang ng mga Pinoy na naniniwalang mas dadami pa ang available na trabaho sa bansa. Mas mababa ng kaunti sa 49 percent na naitala noong Marso.

TAGS: Joblessness, Radyo Inquirer, SWS, Joblessness, Radyo Inquirer, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.