Pang. Duterte pangungunahan ang command conference para sa Typhoon Ompong

By Chona Yu September 13, 2018 - 08:26 AM

Isang command conference ang ipinatawag ngayong araw ng Huwebes, Sept. 13, ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para sa bagyong Ompong.

Base sa abiso ng Malakanyang, gaganapin ang command conference alas 3:00 ng hapon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Susundan naman ito ng joint AFP-PNP Command Conference na ngaganapin sa Malakanyang alas 4:00 ng hapon.

Nakatakda sanang magtungo ang pangulo ngayong araw sa Limay, Bataan para sa Test Firing of Spike Extended Range sa BRP Davao del Sur subalit kinansela na ito.

TAGS: Command Conference, NDRRMC, Rodrigo Duterte, Typhoon Ompong, Command Conference, NDRRMC, Rodrigo Duterte, Typhoon Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.