Preemptive evacuation ipinatupad na sa mga coastal town sa Cagayan

Nagpatupad na ng preemptive evacuation sa mga barangay sa lalawigan ng Cagayan na nasa coastal areas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na maaga pa lamang ay nagsagawa na ng preemptive evacuation sa mga coastal towns.

Kabilang sa inilikas ang mga residente sa 13 coastal barangays ng Buguey, 2 coastal barangays ng Gonzaga at 12 coastal barangays ng Calayan.

Ang mga pamilyang inilikas ay dinala sa evacuation center habang ang iba naman ay nakitira sa mga kaanak, kapitabahay o kaibigan na may matibay na tahanan sa ilalim ng adopt-a-neighbor program ng provincial government.

Sa ngayon handa na ang lahat ng mga kakailanganing kagamitan at pasilidad sa posibleng pagtama ng bagyo sa northern tip ng Cagayan.

Ani Mamba, ang hiling lang nila ngayon sa kinauukulan ay mapaglaanan sila ng standby na air assets kung kakailanganin na maglikas ng mga residenteng nasa isla na masusugatan o masasaktan sa pananalasa ng bagyo.

Read more...