Opening ceremony ng Batang Pinoy Championships kinansela ng PSC
Dahil sa Typhoon Ompong ay ipinagpaliban ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Baguio City Government ang seremonya para sa pagbubukas ng 2018 Batang Pinoy National Championships.
Ito ay upang matiyak umano ang kaligtasan ng lahat ng kalahok.
Hindi na idaraos ang opening ceremony na dapat sana ay sa Sept. 15 araw ng Sabado.
Habang sa Sept. 17 araw ng Llunes ay uumpisahan na ang kompetisyon at sa Sept. 22 gagawin ang grand closing ceremonies.
Ang mga delegasyon na patungo na ng Baguio City ay maaring manatili muna sa Metro Manila habang hind maganda ang panahon.
Ayon sa PSC, maari silang manatili sa Phisports Complez sa Pasig o ‘di kaya ay sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.
Ang competition schedules naman ay ipapaskil sa website ng PSC at sa social media pages ngayong maghapon.
Ang mga delegado naman na nasa Baguio City na ay maaring makipag-ugnayan sa national secretariat ng Batang Pinoy sa pamamagitan ng cellphone number 09164236494 o 09184635150.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.