Tinagurian ng UN na “shameful” countries ang 38 mga bansa na isinama nito sa kanilang listahan.
Napabilang sa listahan ang Pilipinas, China at Russia.
Nakasaad sa taunang report na inilabas ni UN Secretary General Antonio Guterres ang mga bansang kasama sa listahan ay hindi maganda ang pagtrato, nagsasagawa ng surveillance, krimen at public stigmatization campaigns laban sa mga human rights defenders.
Ayon sa UN, maituturing na shameful practice ang ginagawa ng mga bansa na pinarurusahan ang mga indbidwal na nagsusulong sa karapatang pantao.
Ayon sa UN ang gobyerno ng 38 mga bansa ay karaniwang kinakasuhan ang mga human rights activists.
Sa nasabing bilang, 19 na mga bansa ang dati nang nasa listahan ng UN habang 29 na bansa kasama ang Pilipinas ang bago sa listahan.