Tourist spots sa Ilocos Norte isinara dahil sa TY Ompong

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2018 - 06:35 AM

Sinuspinde na ang lahat ng tourism activities sa Ilocos Norte.

Sa abiso ng Ilocos Norte Tourism Office, pinayuhan ang publiko na manatili sa indoors at iwasan ang pagbiyahe mula ngayong araw hanggang bukas.

Isinara na rin pansamantala ang mga tourist spots sa lugar gaya ng Kapurpurawan, Malacanang of the North, Presidential Center sa Batac at iba pang Marcos Heritage, gayundin ang Arte Luna, Pagudbud Beach Park, Sand Dunes at iba pang tourism facilities na pinatatakbo ng gobyerno.

Pinayuhan din ang mga turista na iwasan ang mga aktibidad gaya ng swimming, hiking, trekking at iba pa.

Ipinatutupad na rin ang liquor ban sa Ilocos Norte base sa kautusan ni Gov. Imee Marcos mula ngayong araw hanggang sa nananatili pa ang epekto ng bagyo.

TAGS: ilocos norte, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong, ilocos norte, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.