Bagyong Ompong, bahagyang bumilis at napanatili ang lakas; Signal no.1 nakataas na sa 15 lugar
Bahagyang bumilis ang pagkilos ng Bagyong Ompong at napanatili ang lakas habang nagbabadya sa Northern Luzon.
Sa 5am press briefing ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 855 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbusgong aabot sa 255 kilometro kada oras.
Kumikilos na ito sa bilis na 30 kilometro kada oras sa direksyong pa-Kanluran.
Nakataas na ang Signal Number 1 sa mga sumusunod na lugar:
Cagayan
Isabela
Kalinga
Mt. Province
Ifugao
Nueva Vizcaya
Quirino
Aurora
Quezon including Polillo Island
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Catanduanes, and Burias and Ticao Islands
Northern Samar
Inaasahan pa rin itong tatama sa kalupaan ng northern tip ng Cagayan Sabado ng umaga.
Sa Linggo, inaasahan na itong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management councils na manatiling nakatutok sa weather advisory ng PAGASA na ilalabas mamayang alas-11 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.