UPCAT ipagpapaliban dahil sa bagyong Ompong

By Isa Avendaño-Umali September 13, 2018 - 02:09 AM

Ipinagpaliban ng pamunuan ng University of the Philippines (UP) ang pagdaraos ng UP College Admission Test o UPCAT, dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Ompong.

Ayon kay Butch Dalisay, ang Vice President for Public Affairs ng UP, napagpasyahan na i-postpone ang UPCAT na gagawin sana sa September 15 at 16, 2018.

Ibig sabihin, apektado ang lahat ng examination centers ng UPCAT sa buong bansa.

Sinabi ni Dalisay na kahit sa mga examination center na hindi tataman ng bagyo, ay sakop din ng postponement ng UPCAT.

May mga proctor din kasi na magmumula pa sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.

Ani Dalisay, mas mahalaga ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante at UPCAT personnel sa panahon ng kalamidad, kaya minarapat nilang ipagpaliban ang UPCAT.

Samantala, wala pang panibagong petsa para sa UPCAT, pero ani Dalisay, hintayin na lamang ang official announcement ng kanilang pamunuan.

Mahigit 100,000 estudyante ang inaasahang sasalang sa UPCAT.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.