MMDA naka-alerto na sa posibleng pananalasa ng Bagyong Ompong

Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagpasok at pangambang pananalasa ng Superthyphoon Ompong.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, naka-antabay na at handang rumesponde ang kanilang mga tauhan sa mga maaapektuhan ng bagyo, sa Kalakhang Maynila.

Kabilang naman sa kanilang gagamiting assets at resources ay mga rubber boat, life jackets, at iba pa, para sa disaster response efforts at relief operations, lalo na sa mga lugar na bahain.

Pinayuhan na rin ni Lim ang mga miyembro ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council at mga lokal na DRRM units na maging alerto at magsagawa ng precautionary measures.

Giit ni Lim, kailangan ng ibayong paghahanda at pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng kalamidad.

Samantala, inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipinagliban na ang International Coastal Cleanup (ICC) na gagawin sana sa September 15, 2018.

Ito ay dahil sa inaasahang sama ng panahong maidudulot ng Bagyong Ompong, kaya gagawin na lamang ang ICC sa September 22, 2018.

Read more...