Proclamation 572 hindi depektibo ayon sa Malacañan

Nanindigan ang Palasyo ng Malacañan na hindi depektibo ang Proclamation 572 na nagdedeklarang walang bisa ang amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay kahit na hindi nakapaloob sa proklamasyon ang iginigiit ng pangulo na walang kapangyarihan si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin na maggawad ng amnestiya kay Trillanes.

Sinabi pa ni Roque na hindi na kailangan na i-modify ang proklamasyon at hindi na rin kinakailangan na maglabas ng bagong proklamasyon para mapanindigan ang bagong argumento ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Roque, bahala na ang Makati Regional Trial Court (RTC) na magdetermina kung kinakialangan na arestuhing muli si Trillanes dahil sa kasong kudeta dahil sa hindi pagkuha ng aplikasyon ng amnestiya at hindi pag-amin sa krimen.

Read more...