Pangulong Duterte nakipag-away sa China

By Chona Yu September 13, 2018 - 03:17 AM

Inaway ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China.

Sa one-on-one interview ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pangulo, sinabi nito na nagalit siya sa China dahil sa ginawang pagtataboy ng China sa eroplano ng Philippine Navy sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa pangulo, hindi niya nagustuhan na sinigawan at itinaboy ng China ang Philippine Navy samantalang magkaibigan naman ang dalawnag bansa.

Iginiit ng pangulo, sa mata ng buong mundo, pag-aari ng Pilipinas ang mga isla sa West Philippine Sea na pilit na inaangkin ng China.

Pero paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman nag-away ang pangulo at si Chinese President Xi Jinping kundi uminit lamang ang ulo ng punong ehekutibo.

Sa kabila aniya ng gusot, nanindigan si Roque na maayos pa rin naman ang pagkakaibigan nina Pangulong Dutuerte at Xi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.