LGUs inatasan ng DILG na tiyaking ligtas ang mga sementeryo

By Den Macaranas October 31, 2015 - 08:41 AM

INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Inatasan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mel Sarmiento ang mga local officials na pagunahan ang paniniyak ng seguridad ng publiko sa mga sementeryo ngayong undas.

Kasabay ng kanyang panawagan ang utos na huwag samantalahin ang pag-gunita sa araw ng mga patay para mangampanya sa loob ng mga sementeryo.

Bukod sa mga local officials, inatasan din ng kalihim ang mga tauhan ng pulisya sa buong bansa na maging alertado at huwag maging pasimuno ng mga kaguluhan.

Bukod sa PNP nasa heightened alert din ngayon ang buong pwersa ng Bureau of Fire Protection kasabay ang paalala na mag-ingat sa pagtitirik ng mga kandila.

Pinayuhan din ni Sarmiento ang mga local leaders na pangunahan ang paglilinis sa mga sementerto pagkatapos ng undas.

TAGS: DILG, LGU, Sarmiento, DILG, LGU, Sarmiento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.