Pangulong Duterte, nakapulong si US Ambassador Kim sa Malacañang

Nagkaroon ng pulong sa Malacañang sina Pangulong Rodrigo Duterte at United States Ambassador Sung Kim.

Ito ang ibinahagi ng envoy sa kanyang Twitter account at sinabing naging maganda ang kanilang pagpupulong.

Pinag-usapan anya nila ang shared goals ng Pilipinas at US sa usapin ng ekonomiya at defense.

Ayon pa kay Kim, ang pagkakaibigan ng Pilipinas at US ay nananatiling matatag.
Naganap ang pulong ilang linggo matapos batikusin ng pangulo si US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall Schriver sa anya’y pakikialam nito sa usapin ng pagbili ng armas ng Pilipinas sa Russia.

Ang pulong sa pagitan ni Duterte at ng envoy ay inanunsyo mismo ng pangulo sa kasagsagan ng pagbibigay ng incentives sa mga nagwagi sa 18th Asian Games.

Wala ang pulong sa official schedule na ibigay ng Malacañang sa mga mamamahayag.

Read more...