Pag-espiya ng ibang bansa tanging pangangalap ng intelligence ayon sa Malacañan
Walang nakikitang mali ang Malacañan sa pag-espiya ng ibang bansa sa mga Pilipino at pagbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng intelligence information kaugnay ng umano’y planong pagpapatalsik sa kanya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, laging kinikilala bilang gawain ng diplomatic mission ang pagkalap ng intelligence.
Mayroon aniyang regular na report mula sa mga embahada ng Pilipinas at nakakakuha rin ang gobyerno ng intelligence information mula sa ibang bansa.
Ito aniya ang nature ng diplomatic relations ng mga bansa sa ngayon.
Dagdag ni Roque, tumatanggap ang bansa ng impormasyon mula sa kaalyadong Estados Unidos ukol sa mga terrorist groups.
Pahayag ito ng kalihim matapos sabihin ng pangulo na may ebidensya ng umano’y sabwatan ng Magdalo group, Liberal Party, at ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison para siya ay pabagsakin.
Ayon sa pangulo, batay ito sa impormasyon na ibinigay ng hindi nito pinangalanang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.