‘Zero casualty’ target ng DILG sa pananalasa ng Bagyong Ompong

By Rhommel Balasbas September 13, 2018 - 04:48 AM

Nais ng Department of Interior and Local Government ang ‘zero casualty’ o walang maitalang patay sa pananalasa ng Bagyong Ompong sa bansa.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, noong nakaraang linggo pa binalaan ang gobyerno na hindi pangkaraniwan ang bagyo.

Kaya’t hinikayat niya ang mga local leaders na tiyaking handa ang kanilang mga mamamayan.

“We have been forewarned as early as last week that ‘Ompong’ is no ordinary typhoon and is similar to ‘Yolanda’. Let us brace our communities and urge our people to also make the necessary preparations for their families. Being a resilient people, let’s aim for zero casualty,” ani Año.

Nagbabala rin ang kalihim sa mga alkalde na wala sa kanilang mga teritoryo sa kasagsagan ng bagyo.

Sinabi nito na parurusahan ng gobyerno ang mga alkalde na wala sa kanilang mga bayan dahil ang mga ito ang chairpersons ng kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council.

Umaasa naman si Interior Assistant Secretary Jonathan Malaya na sa mga panahong ito ay nakapaghanda na ang mga lokal na pamahalaan sa bagyo alinsunod sa OPLAN Listo ng kagawaran.

Ito ay upang matiyak na hindi magiging malawak ang pinsala at casualties sa pagbayo ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.