Pag-reschedule sa COC filing, ikinatuwa ng Senado at Kongreso
Nagpapasalamat ang dalawang kapulungan ng Kongreso matapos pagbigyan ang kanilang hiling na i-reschedule ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2019 midterm elections.
Ito ay matapos maghain ng resolusyon ang Kamara at Senado na iurong ang filing sa October 11 hanggang 17 na pinagbigyan naman ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, dahil dito ay mabibigyan ng pagkakataon ang Kongreso na mag-focus sa deliberasyon ng mga mahahalagang panukala tulad ng 2019 General Appropriations Bill, Universal Health Care Act at End of Endo Act.
Ganito rin ang sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya at sinabing mapagtutuunan na nila ng pansin ang legislative agenda ng pangulo ng hindi maabala ng mga plano sa eleksyon.
Matatapos ang sesyon ng Kongreso sa October 10 na balakid sa original na schedule ng COC sa filing na October 1 hanggang 5.
Samantala, umaasa si Andaya na mas magiging produktibo ang mga susunod nilang sesyon bago magsimula ang mga katibidad para sa Halalan 2019 sa Oktubre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.