Chinese Foreign Minister Wang Yi, bibisita sa bansa sa Sept.16-18

By Rhommel Balasbas September 13, 2018 - 03:44 AM

Darating sa bansa para sa isang official visit si Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa kagawaran, nakatakda ang pagbisita ni Wang sa Linggo, September 16 hanggang Martes, September 18.

Layon ng pagbisitang ito na ipagpatuloy ang mga diskusyon sa planong joint energy exploration ng Pilipinas at China.

Bubuo ng framework of cooperation na alinsunod sa itinatakda ng international laws ayon sa DFA.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na bukas ang Pilipinas sa 60-40 deal pabor sa Maynila sakaling matuloy ang joint exploration.

Sinabi pa ng kalihim na posibleng isagawa ang exploration sa Reed Bank na bahagi ng exclusive economic zone ng bansa.

Ayon sa DFA, ang pagbisita ni Wang ay nagpapakita lamang ng mas lumalalim at tumatatag na relasyon ng Pilipinas at China kumpara noon.

Nauna na ring sinabi ng Malacañang na posibleng bumisita sa bansa si Chinese President Xi Jin Ping sa Nobyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.