Farewell concert tour ni Elton John sinimulan na

By Justinne Punsalang September 13, 2018 - 12:40 AM SHARE(S):
AP

Sinimulan na ng legendary singer/pianist/composer ang kanyang farewell concert tour na pinamagatang “Farewell Yellow Brick Road World Tour.”

Ayon kay Elton John, matapos ang kanyang mahigit 300 shows para sa naturang farewell concert tour sa limang mga kontinente sa buong mundo, ay nakatakda na siyang magretiro.

Sa kalagitaan ng kanyang concert ay pinasalamatan ng 71 taong gulang na singer ang kanyang mga fans.

Aniya, silang mga tagahanga niya ang nananatiling constant sa kanyang musical journey dahil sa kanilang pagbili sa kanyang album, tickets para sa shows, at iba pang mga merchandise.

Isa sa mga ipinagmalaki ng singer ang kanyang pagtatatag ng Elton John AIDS Foundation kung saan nasa USD400 milyon na ang kanyang nalikom at nakatulong sa mahigiti 100 milyong mga tao.

Ilan sa mga kilalang awitin ng Oscar, Grammy, at Tony winner ang mga kantang Your Song,” “Tiny Dancer,” “Rocket Man,” “Candle In the Wind” and “I’m Still Standing.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.