Lalaki binugbog ng masahista sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 13, 2018 - 04:39 AM SHARE(S):

Duguan ang ulo ng isang lalaki matapos umano itong bugbugin ng isang masahista sa loob ng massage parlor sa kahabaan ng Kamuning Road sa Quezon City.

Kwento ng biktima, wala pa sa kalagitnaan ng kaniyang massage session nang mag-offer ang lalaking masahista ng ‘extra service.’ Ngunit tumanggi ang biktima na tila ikinagalit ng masahista.

Nang magbayad ito ng P100, lalong nainis ang masahista.

Giit ng lalaking biktima, kulang kasi sa oras ang masahe kaya naman P100 lamang ang kanyang ibabayad.

Dito na kinandado ng masahista ang kwarto at nang magpumilit ang biktima na makalabas ay sinapak siya ng masahista.

Depensa naman ng masahista, sinuntok niya ang biktima dahil kulang ang ibinayad nito sa kanya. Itinanggi pa nito na nag-offer siya ng extra service.

Matapos magharap ang dalawa sa himpilan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 9, nagkaaregluhan ang dalawa at hindi na nagsampa ng kaso ang biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.