Lalaki arestado sa buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 13, 2018 - 04:17 AM SHARE(S):

Arestado ang isang lalaki matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Nakilala ang natimbog na drug suspek na si Michael Lora, 20 taong gulang.

Nasabat mula sa nasabing suspek ang isang envelope na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Nasa 20 gramo ang bigat ng ipinagbabawal na gamot at tinatayang nagkakahalaga ng P2,400

Nakuha rin mula kay Lora ang isang cellphone na posibleng gamit nito sa kanyang mga transaksyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.