Gold medalists sa Asian Games tumanggap ng P2 Million kay Duterte
Nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na P2 Million sa mga nakasungkit ng gold medal sa Asian Games.
Inanunsyo ito ng pangulo sa seremonya ng release ng incentives sa Malakanyang.
Una nang inanunsyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na ang bonus mula sa pangulo ay P1 Million pero dinagdagan ito ni Duterte ng P1 Million kasabay ng seremonya sa Palasyo.
Ang halaga ay bukod sa P2 Million na tinanggap ng gold medalist alinsunod sa batas.
Dahil dito ay nasa P4 Million ang kabuuang insentibo ng atletang Pinoy na nakakuha ng gintong medalya.
Tatanggap din ang mga ito ng tig P1 Million mula sa Siklab Foundation ni Sec. Dennis Uy at Ambassador to Indonesia Lee Hiong Tan Wee at P2 Million bonus mula sa Philippine Olympic Committee.
Ang mga gold medalists sa Jakarta Asian Games ay sina Hidilyn Diaz, Lois Kaye Go, Bianca Pagdanganan, Margielyn Didal at Yuka Saso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.