Palitan ng Piso kontra Dolyar sumadsad sa P54 level

By Den Macaranas September 12, 2018 - 07:16 PM

Sumadsad sa pinaka-mababang level ang halaga ng Piso laban sa US Dollar sa pagsasara ng trading ngayong araw.

Sa pagsasara ng kalakalan sa merkado kanina ay umabot sa P54.13 ang halaga ng Piso laban sa Dolyar na huling nangyari noong 2005.

Isinisisi ng mga market analyst sa US-China trade war, lumolobong trade deficit at inflation ang patuloy na paghina ng Philippine Peso.

Nananatili ring mahal ang bentahan ng petrolyo sa world market na isa sa mga market indicator sa trading floor.

Gayuman ay sinabi ng mga financial analyst na masyado pang maaga para malaman kung muli na namang magkakaroon ng oil price sa susunod na linggo.

TAGS: dollar, PESO, stock, trading floor, dollar, PESO, stock, trading floor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.