China muling nagbabala ng giyera sa West Philippine Sea
Direktang nagbanta ang pinuno ng Chinese Navy sa kanyang US counterpart na posibleng mauwi sa giyera ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa anila’y pakikialaman ng America sa isyu.
Sa naganap na video teleconference, sinabi ni Chinese Navy Chief Wu Shengli kay US Navy Commander Admiral John Richardson na hindi dapat makisawsaw sa mga kaganapan ng South China Sea ang nasabing bansa.
Binatikos din ng Chinese official ang ginawang paglalayag ng USS Lassen malapit sa Subi Reef kung saan nagaganap ang reclamation project ng China.
Sa sususnod na linggo ay nakatakda namang bumisita sa Beijing si US Pacific Command Head Harry Harris para kausapin ang ilang military officials ng China.
Nauna nang iginiit ni US Defense Sec. Ashton Carter na itutuloy pa rin nila ang kanilang sailby sa lugar dahil bahagi ito ng International waters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.