Pag-alis sa excise tax sa petrolyo ipinamamadali sa Kamara
Isinusulong ng oposisyon sa Kamara na ipahinto ang pagpapataw ng excise tax sa petrolyo.
Base sa inihaing joint resolution ng 16 na kongresita mula sa oposisyon nais ng mga ito na kaagad suspendihin ang ipinapataw na excise tax sa produktong petrolyo.
Bukod pa rito, pinasususpinde rin ng mga ito ang karagdagang pagtaas sa ilalim ng Train 1.
Sinabi ng mga may-akda ng panukala na ito ang epektibong paraan upang mapigilan ang pagsirit pa ng inflation rate ng bansa.
Iginiit ng mga ito na hindi na kakayanin ng mga Pinoy na maghintay pa ng pagbaba sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kaya kailangang magsakripisyo ang pamahalaan para sa interes ng publiko.
Kasama sa mga naghain ng joint resolution 29 sina Albay Cong. Edcel Lagman ng Magnificent 7, Marikina City Cong. Miro Quimbo ng tinatawag ng People’s Minority at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ng Makabayan bloc.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.